SINUGOD | DOJ, muling kinalampag ng mga militante

Manila, Philippines – Sumugod sa Dep.t of Justice ang mga militanteng grupo mula pa sa Southern Tagalog

Dala ang kanilang placards, nag-rally sa labas ng gate ng DOJ ang mga miyembro ng grupong Karapatan, Bayan at Anakbayan para hilingin ang pagpapalaya sa political prisoners sa bansa.

Inihirit din ng grupo ang pagbasura sa proscription ng pamahalaan na naglalayong ideklara bilang teroristang grupo ang CPP-NPA-NDFP.


Una nang iginiit ni Justice sec. Menardo Guevarra na Ipinauubaya na nila sa Manila Regional Trial Court ang pagdedesisyon kung idedeklara nito o hindi bilang mga terorista ang mahigit 600 miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA.

Ang petisyon para maideklarang terorista ang CPP-NPA-NDF sa ilalim ng human security act ay naka-pending naman sa korte.

Facebook Comments