Nakaalerto ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa bayan ng Sta. Barbara at Calasiao dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig sa Sinukalan at Marusay River.
Ayon kay Raymundo Santos, MDRRMO Head ng Sta. Barbara kahapon nasa 5. 80 meters above sea level na ang Sinukalan River at maari pang tumaas ang lebel ng tubig nito dahil sa mga nararanasang pag-uulan sa upstream.
Sa ngayon binaha na ang barangay sonquil at binabantayan ang 10 barangay na maaring maapektuhan ng pagtaas ng lebel ng tubig.
Sinubukan na ring palikasin ang mga residente ng barangay Sonquil ngunit ayon sa kanila sanay na ang mga ito sa nararanasanga pagbaha.
Ang Marusay River naman sa bayan ng Calasiao ay nasa 6 ft. na rin at inaabisuhan ang mga residente na malapit ang bahay sa ilog na maging alerto dahil sa dagliang pagbaha.
Sa inilabas na Mdrrmc Memorandum No. 2 ng Calasiao, Ipinaubaya na ng lokal na pamahalaan sa mga District Supervisors at School Heads ng mga paaralan ang pagsusupinde ng klase ngayong araw.
Ayon naman sa Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Council nakahanda umano ang kanilang ahensya kung sakali mang magkaroon ng pagbaha sa lalawigan.
###