Sinungaling at desperadong makalaya si Napoles, ayon kay Sen. De Lima

Pinalagan ni Senator Leila De Lima ang akusasyon ni Janet Lim Napoles na sya ay nanghingi ng 50 million pesos para ibasura ang serios illegal detention case na isinampa ni Benhur Luy.
 
Giit ni De Lima, hindi dapat paniwalaan si Napoles dahil ito ay isang polluted source, at isang convicted criminal  na gagawin ang lahat para sya ay makalabas ng kulungan at tuluyang magkamal sa malaking halaga ng salapi na umanoy ninakaw nito sa bayan.
 
Ayon kay De Lima, natural na kay Napoles ang magsinungaling bilang mastermind ng pork barrel scam na nagpadaloy ng bilyun bilyong piso ng public funds sa bulsa ng ilang mambabatas at opisyal ng Malakanyang.
 
Binigyang diin pa ni De Lima na kahit kelan ay hindi magiging credible witness si Napoles dahil palaging imbento ang mga testimonya nito at nagdadawit ng mga politiko para sa ikakatuwa ng kanyang mga handlers sa pamahalaan.
 
Bunsod nito ay sinabi ni De Lima na hindi na niya ikakagulat kung magsasalita si Napoles ngayon ng naayon sa kagustuhan ng mga handlers niya kapalit ng kanyang kalayaan na ipinagako ng kasalukuyang solicitor general.

Facebook Comments