SINUNGALING? | Pangulong Rodrigo Duterte, tinawag na ‘paasa’ at ‘manloloko’ ng grupo ng mga manggagawa

Manila, Philippines – Tinawag ng Buklurang Manggagawang Pilipino na sinungaling, bolero, paasa at manloloko si Pangulong Rodrigo Duterter dahil bigo itong wakasan ang kontractualisasyon sa bansa.

Ayon kay Luke Espiritu, pangulo ng BMB, malinaw na pagpapaasa lamang ito ng pangulo sa mga manggagawa noong panahon ng kampanya para maihalal siya sa pwesto.

Pero ngayong nakaupo na, giit ni Espiritu, tila kinalimutan na ni Duterte ang kanyang naging pangako.


Naniniwala rin umano si Espiritu na ang inaasahang executive order na lalagdaan ng pangulo sa March 15 ay hindi tutuldok sa kontraktwalisasyon kundi isa lamang ‘carbon copy’ ng department order 174 ng DOLE.

Facebook Comments