SINUNTOK | Tristan Thompson sinapak si Draymond Green

Sinuntok ni Cleveland Cavaliers’ bigman Tristan Thompson si Draymond Green ng Golden State Warriors sa labas ng isang club sa Los Angeles, California noong nakaraang buwan.

Sa ulat, humingi umano ng despensa si Green kay Thompson dahil sa nangyaring tensiyon sa kanila sa game 1 ng NBA finals sa exclusive event ni LeBron James noong July 18.

Pero hindi umano siya pinansin ni Thompson. Dahil dito muling humingi ng sorry si Green pero sa halip na sagot suntok ang ibinigay ni Thompson sa dating Defensive Player of the Year ng NBA.


Nagkagulo ang dalawa at kailangan silang awatin ng ibang bisita.

Dahil bawal ang cellphone at camera sa pagtitipon, ngayon lamang lumabas ang nasabing gulo sa pagitan ni Green at Thompson.

Maalalang na-eject sa laro si Thompson sa kanilang overtime loss sa Warriors sa opening ng 2018 NBA finals.

Habang papalabas ng court si Thompson nagkainitan sila ni Green na humantong sa pagbato ng bola ni Thompson sa mukha ni Green.

Pagkatapos ng laro sinabi ni Green na ready siyang harapin sa kalsada anumang oras si Thompson.

Facebook Comments