Manila, Philippines – Hindi pa man naipatutupad, kinontra na ng Department of Budget and Management (DBM) ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na salary increase para sa mga public school teacher.
Katwiran ni Budget Sec. Benjamin Diokno – karagdagang 500-bilyong piso ang kakailanganin para maibigay ang dagdag na sahod sa mga guro.
Sa ngayon kasi, umaabot na sa kalahating trilyong piso ang sweldo ng nasa 600,000 na mga public school teachers.
Dagdag pa ng kalihim, prayoridad ngayon ng ahensya ang “Build Build Build” Program ng administrasyon at pagbibigay-tulong sa mga mahihirap.
Facebook Comments