SINUPALPAL | Kahilingan ni Mark Taguba na manatili sa NBI, binasura ng Manila RTC; Taguba, pinalilipat na sa Manila City Jail

Manila, Philippines – Ibinasura ng Manila RTC Branch 46 ang mosyon ng kampo ng Customs broker na si Mark Taguba na manatili sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni Judge Rainelda Montesa na walang mandato ang NBI na mangalaga sa kustodiya ng mga akusado.

Sa halip, ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) aniya ang naatasan ng batas na mangalaga sa mga may akusadong may pending na kaso sa korte.


Unang ipinunto ng kampo ni Taguba ang kanyang problema sa seguridad kung hindi siya mananatili sa NBI.

Agad namang ipinag-utos ni Judge Montesa ang paglilipat kay Taguba sa Manila City Jail.

Sa Pebrero 9, itinakda ng korte ang arraignment kay Taguba.

Facebook Comments