SINUPORTAHAN | Pagtanggal ng deployment ban sa Kuwait, suportado ng mga Senador

Manila, Philippines – Napaghayag ng buong suporta ang mga senador sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin na ang pagbabawal sa pagpapadala ng mga mangagawang Pilipino sa Kuwait.

Para kay Senator JV Ejercito, magandang balita ito para sa 260,000 mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait.

Lalo ring ginanahan si Senator Ejercito sa isinusulong niyang dagdag sa Overseas Legal Assistance Fund.


Tiwala naman si Senator Joel Villanueva na dahil may naiselyo ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait ay hindi na dadanas pa ng pag-abuso at kalupitan ang mga OFWs lalo na ang mga household services workers.
Iginiit naman ni Senator Win Gatchalian sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na ipagpatuloy ang pagkilos laban sa illegal recruitment, at pagmonitor sa sitwasyon ng mga OFWs.

Facebook Comments