SINUPORTAHAN | SBP, Umapela sa FIBA na payagan pa ring makalaro sa PBA si Kiefer Ravena

Manila, Philippines – Naka-full support pa rin ang NLEX Road Warriors kay rookie Kiefer Ravena matapos ang isa at kalahating taong suspensyon na ipinataw sa kanya ng FIBA.

Ito ay matapos na bumagsak sa drug test ng FIBA Asian World Cup Qualifiers si Ravena dahil nakitaan ng banned substance ang ininom niyang pre-workout drink.

Paliwanag ng NLEX, maituturing itong “honest mistake” dahil legal naman daw kasi sa Pilipinas ang naturang pre-workout supplement at ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na uminom nito si Ravena.


Pagtatanggol pa ng NLEX, simula noon ay lagi nang sumusunod sa prinsipyo ng fair play at sportmanship si Ravena.

Samantala, umapela na rin ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa FIBA na payagang makalaro sa PBA si Ravena sa harap ng suspensyon nito sa Gilas Pilipinas.

Facebook Comments