Manila, Philippines – Suportado ng pamunuan ng Philippine National Police Aviation Security Group ang pagbuo nang independent National Transportation Safety Board na isinusulong ngayon sa kongreso.
Sa isinagawang Joint Committee hearing committee on govt reorganization at committee on transportation na dinaluhan nina PNP AVSEGROUP Director Police Chief Supt Dionardo Carlos, PNP Highway Patrol Group Director Police Chief Supt Arnel Escobal tinalakay ang pagbuo ng Independent National Transportation Safety Board.
Sinabi ni Police Chief Supt Dionardo Carlos na ang binubuong independent NTSB ay magiimbestiga sa lahat ng transport incidents.
Layon aniya nitong mapanatili ang safety standards ng mga pasahero na bumabyahe sa dagat, himpapawid at lupa
Sinabi ni Carlos na sa panig ng PNP, security aspects ang kanilang pinakakatutukan, at tutok rin sila sa pagsasampa ng kaso sa mga kriminal na responsable sa mga nangyayaring aksidente aksidente man ito o sinadya.