Sinusulit na sandali: 3-taon gulang na may cancer, isinama ng kapatid sa prom

Si Lana Nixon at ang ate niyang si Neve Nixon. Courtesy of Facebook

Sinusulit na ng isang pamilya sa United Kingdom ang mga oras na kasama nila ang kanilang bunsong babae.

Nakikipaglaban ang 3-taon gulang na si Lana Nixon sa brain cancer at ikinatatakot ng kanyang pamilya na baka maikli na lamang ang panahon para maranasan niya ang ilang pagdiriwang.

Kaya naman hindi pinalagpas ng 16-anyos niyang ate na isama at gawin siyang date sa high school prom nito sa Sunderland, England.


“It was so emotional for us all to be together as a family and for Lana to be part of her sister’s special day. She loved the car and said that her and Neve were princesses that day,” pahayag ng 34-anyos nanay na si Gemma sa Daily Mail.

Makapagbagbag-puso para sa buong pamilya na makita si Lana suot ang pink dress sa prom, matapos ang ilang buwan na hospital gown lang lagi ang suot nito.

“Lana was so happy, smiling and active just like any other 3-year-old. It’s just heartbreaking. I can’t imagine what the family are going through,” sambit ng nagmaneho ng sasakyang naghatid sa magkapatid sa prom.

Kuwento ng pamilya, malusog na bata si Lana, hanggang noong Setyembre nakaraang taon nang nagsimulang mapadalas ang kanyang pagkakasakit.

Unti-unting nahirapan sa paglalakad ang bata, nabawasan ng 14 pounds (6kg), naging pala-tulog, at napapadalas ang pagsuka.

Matapos ang anim na beses na pagpapabalik-balik sa ospital, saka isinailalim sa MRI scan si Lana at napag-alaman na may malaking tumor sa kanyang utak.

Sumailalim na si Lana sa tatlong operasyon at kasalukuyang may 12 serye ng chemotherapy.

Ayon sa mga doktor, may atypical teratoid/rhabdoid tumor (ATRT) ang bata, isang madalang at agresibong uri ng cancer na hindi na malulunasan pa.

Mula nang ma-diagnose, tumigil sa pagtatrabaho ang magulang ni Lana para pagtuunan ng pansin ang anak.

“She is a happy, loving and funny little character. She deserves the world for all she has endured,” ani nanay.

Sa ngayon ay mayroong fundraising sa JustGiving para tulungan ang pamilya Nixon.

Facebook Comments