SINUWAG | Dating brgy kagawad, patay matapos suwagin ng kalabaw

Surigao del Norte – Dead on the spot ang isang dating kagawad matapos suwagin ng nirentahang kalabaw sa San Francisco, Surigao del Norte.

Sa ulat, isasauli na sana ng biktimang si Armando Palen ang kalabaw ng bigla siyang sinuwag nito.

Nagtamo ng limang malalaking sugat sa kaniyang mga paa at mga pasa sa katawan ang biktima na dahilan ng pagkamatay nito.
Sugatan din sa insidente ang anak ni Palen na kasama niya nang isauli ang kalabaw.


Depensa naman ng may-ari ng kalabaw, ito ang unang pagkakataon na nanuwag ang kaniyang alaga kaya at maging siya ay nabigla sa nangyari.

Facebook Comments