Niyanig ng 4.5 na magnitude na lindol ang Negros Occidental.
Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang lindol bandang 02:42 pm.
Natunton ang pagyanig na 37 km timog-kanluran ng Sipalay City sa Negros Occidental. May ilalim itong 8 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang instrumental intensity III sa Sipalay City, intensity II as Bago City, Negros Occidental
Wala namang naitalang pinsala ang naturang lindol.
Facebook Comments