Maingat ang Philipine Coast Guard sa ginagawang pagtugon sa oil spill sa Limay, Bataan.
Sa press conference sa Office of Civil Defense (OCD), sinabi ni Coast Guard Station Bataan Lt Commander Michael Encina na kapag natapos na ang pagkakabit ng metal capping ay saka pa lang nila masisimulan ang siphoning o paghigop sa mahigit isang milyong litrong industrial fuel mula sa lumubog na MT Terra Nova.
Ayon kay LtCmdr Encina, labing apat (14) na araw ang proseso ng pagpapalit ng metal caps upang masiguro na selyado ang mga valve bago masimulan ang siphoning.
Sa ngayon, iba’t ibang hamon ang kinakaharap ng Coast Guard kabilang dito ang limitadong bilang ng kanilang mga divers na palitan sa pagsisid ng 100 feet na lalim ng lumubog na barko at gayundin ang malakas na kuryente o current sa ilalim ng dagat.