Umabot na sa mahigit sampung libong litro ng langis ang nakolekta mula sa lumubog na MTKR Terranova sa Manila Bay.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), kahapon ay nakakolekta ng 2,500 litro ng langis ang kinontratang salvor na Harbor Star.
Tuloy-tuloy naman ang ginagawang hot tapping operations at siphoning test.
Para mapabilis naman ang paghigop ng kargang langis ng Terranova, sinabi ng PCG na nagdagdag din ng gagamiting oil booster pump.
Samantala, sa halos kasabay din nitong lumubog na MTKR Jason Bradley ay wala na raw bakas ng oil spill pero may nakita pa ring oil sheen o bakas ng langis sa paligid ng barko.
Habang ang MV Mirola 1 na sumadsad ay tinatanggalan na ng tubig dagat ang loob ng barko.
Facebook Comments