Siquijor Mystics, pinatalsik sa VisMin Super Cup

Pinatalsik sa VisMin Super Cup ang Siquijor Mystics kasunod ng kontrobersyal na laro nila kontra ARQ Builders-Lapu Lapu City noong Miyerkules.

Kahapon nang ilabas ng liga ang desisyon kung saan hindi na papayagang makasali sa anumang grupo sa VisMin Super Cup ang mga manlalaro at coaches ng Siquijor team.

Habang ilang manlalaro din ng Lapu-Lapu City ang sinuspinde at pinagmulta ng P15,000 kabilang sina Jercules iTangcay, Reed Juntilla, Monbert Arong, Dawn Ochea, Ferdinand Lusdoc at Rendell Senining.


Suspendido rin sa nalalabing bahagi ng first round ang head coach nilang si Grancis Auquico at kanyang mga assistant.

Matatandang ilang oras matapos kanselahin ang laro ng dalawang team dahil sa power interruption, ilang video clips ang kumalat online kung saan makikita na tila sinasadyang isala ng mga manlalaro ang kanilang free layups at free throws na umano’y paglabag sa rules ng liga.

Facebook Comments