SIRAIN | Mga mamahaling sasakyang nasabat ng Bureau of Customs, pinasisira ni P-Duterte

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bureau of Customs na sirain ang mga luxury vehicle na nakumpiska noong isang taon.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, hindi naman kasi nadadala ang mga smuggler kung isasalang lang sa auction ang kanilang mga ipinuslit.

Maliban sa mga mamahaling sasakyan, sisirain rin ng BOC ang mga smuggled na ukay-ukay products, P13 milyon halaga ng agricultural products at iba pa.


Sinabi naman ni Lapeña, asahan na ang muling balasahan sa BOC para tuluyan matuldukan ang korapsyon sa ahensya.

Aniya, bumuo na siya ng internal affair integrity unit na tututok sa mga tiwaling tauhan ng Custom.

Nabatid na nasa 647 na mga empleyado na ng BOC ang nabalasasimula noong isang taon.

Facebook Comments