SIRANG AIRCON | Manual vote recount at revision ng 2016 VP elections, sinuspinde

Manila, Philippines – Sinuspinde kahapon ng hapon ang manual recount at vote revision ng 2016 vice presidential election.

Nabatid na isinasagawa close-door ang pagbibilang sa ikalimang palapag ng Supreme Court – Court of Appeals Gymnasium.

Ayon sa mga revisor ng Presidential Electoral Tribunal (PET), pumalya ang mga air conditioning units dahil hindi agad naayos ang circuit breaker nito.


Patuloy ang recount at revision sa mga balota mula sa mga Bayan ng Ocampo, Pili, Magarao, Precentacion, Lagonoy, Camaligan at Garchitorena sa Camarines sur.

Matapos ang tatlong linggo, natapos ng PET revisors ang pagbibilang sa mga bayan ng Baao, Bato, Bula, Balatan, Sagnay at Buhi, Camarines sur.

Kasabay nito, nadiskubre rin ng mga revisor ang mga bahagyang nasunog na balota, basang balota, nawawalang election returns at voters receipts.

Ang manual vote recount at revision ay resulta ng inihaing protesta ni dating Senator Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Facebook Comments