Manila, Philippines – Dalawa pang Presidential appointees ang namemeligrong mapatalsik sa kanilang mga pwesto dahil sa iregularidad.
Ito ang kinumpirma ng Malacañang kasunod ng pagkakasibak kay Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Marcial Quirico Amaro III dahil sa mga magarbong biyahe.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, may mga reklamo laban sa dalawang opisyal ng pamahalaan sa tanggapan ng Presidential Management Staff (PMS).
Hindi naman sinabi pa ni Roque kung may kinalaman din sa biyahe sa abroad ang reklamo pero inihayag nito na may nangyaring pananamantala ang mga opisyal.
Dagdag pa ni Roque, marami pang susunod na mga sisibakin sa iba’t-ibang mga posisyon sa gobyerno.
Facebook Comments