SISIBAKIN | 9,000 barangay officials, kabilang sa narco-list

Manila, Philippines – Aabot sa 9,000 barangay officials ang kabilang sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pagbubunyag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, dalawang buwan bago ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Diño, nagsasagawa na sila ng serye ng imbestigasyon sa nasabing bilang ng mga opisyal.


Babala ni Diño, ang mga opisyal na may koneksyon sa kalakalan ng droga ay sisibakin sa pwesto, kakasuhan at mabubulok sa kulungan.

Sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa halos 300 barangay officials lang ang sangkot sa ilegal na droga.

Facebook Comments