SISIBAKIN | 9000 na kapitan ng Barangay, pasok sa narco-list

Manila, Philippines – Walang forever, ito ang babala ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño kasunod ng pagsisiwalat niya na nasa 9,000 mga barangay kapitan ang nasa narco-list ni Pangulong Duterte.
Aniya, desidido ang Pangulo na tanggalin sa kanilang posisyon ang mga pinuno ng barangay na sangkot sa ilegal na droga.
Kaya sa pamamagitan ng DILG, tiniyak ni Diño na makakasuhan at makukulong ang mga Barangay Chairman na nasa listahan.
Nagpaalala rin ang opisyal sa mga pinuno ng barangay na isumite na sa Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang barangay drug watch list bago o sa March 1.
Dahil kung hindi, posible silang masuspinde o matanggal din sa puwesto.

Facebook Comments