SISIBAKIN? | Balitang pagsibak kay Aguirre, mananatiling tsismis hanggang hindi mismo si Pangulong ang nag-aanunsyo

Manila, Philippines – Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, mananatiling espekulasyon at tsismis lamang ang balitang sinibak na si Justice Secretry Vitaliano Aguirre hanggang hindi si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nag-aanunsyo nito.

Aminado si Lacson na minsan ay dismayado siya sa trabaho ni Aguirre pero minsan ay pasado sa kanya ang performance nito.

Pero bahala na aniya ang Pangulo na humulma ng kapalaran ni Aguirre.


Si Senator Joel Villanueva naman na minsan ay nagpapahayag din ng pagkontra kay Aguirre ay nagsabing nakasasalay pa rin sa kamay ng Presidente kung mananatili o hindi ito sa pwesto.

Naniniwala naman si Senator Richard Gordon na mas mahirap ang maghanap ng karapat dapat na mamumuno sa DOJ.

Facebook Comments