SISIBAKIN | Coast Guard Trainee na nahuli sa entrapment operation sa Maynila, tatanggalin sa serbisyo

Manila, Philippines – Tatanggalin sa serbisyo ang draftee o trainee ng Philippine Coast Guard, na nahuli sa isinagawang entrapment operation sa isang hotel sa Maynila, kahapon matapos ireklamo ng isang babae na nanghihingi ito ng sexual favors kapalit ng aplikasyon sa Philippine Coast Guard.

Sa official statement na inilabas ng PCG, bukod sa terminasyon sa serbisyo ng 30 anyos na draftee na si Mohammad Alano, posible ring maharap ito sa kasong Coercion, Acts of Lasciviousness, at Usurpation of Authority.

Ayon sa Coast Guard, mariin nilang kinukundena ang mga tauhan nilang gumagawa ng mga labag sa batas.


Kaugnay nito, hinihikayat nila ng publiko o mga PCG applicants na ipagbigay alam agad sakanilang tanggapan ang mga hindi katanggap- tanggap na gawain ng mga PCG personnel.

Facebook Comments