SISIBAKIN | Magkakapatid na pulis na umano ay nanugod ng sibilyan – pinasisibak na

Manila, Philippines – Pinasisibak ni Philippine National Police Chief Police Director General Oscar Albayalde ang 3 magkakapatid na pulis na umano ay nanugod sa isang sibilyan na nakunan ng video at nag-viral sa social media.

Kinilala ang tatlong pulis sa video na sina PO3 Ralph Soriano ng Northern Police District; PO1 Rendel Soriano ng Caloocan Police; at PO1 Reniel Soriano ng Drug Enforcement Group.

Nakunan sa video ang mga pulis na nasa harapan ng isang bahay, na nakikipagdiskusyunan sa mga kamag-anak ng taong hinahanap nila.


Nagtungo umano ang mga pulis sa bahay matapos nilang maka-gitgitan sa kalye ang taong hinahanap nila.

Sa kabila na mahinahon naman ang pakikipagusap ng mga pulis sa video, mapapansin ang umbok ng baril sa kanilang baywang sa ilalim ng kanilang suot na sibilyan.

At dahil umiiral ngayon ang nationwide gun-ban para sa darating na barangay at SK elections kung saan kanselado ang lahat ng permit to carry firearms outside of residence o PTCFOR.

Kaya pinasisibak sa pwesto ang magkakapatid na pulis.

Tanging mga unipormadong pulis at sundalo at mga awtorisadong ahente ng gobyerno ang may pahintulot na magdala ng armas sa labas ng tahanan.

Sinabi ni Albayalde hindi kinokunsinti ng PNP ang mga ganitong gawain ng kanilang miyembro.

Facebook Comments