SISIBAKIN | Mga mambabatas na sangkot sa ilegal na droga, patatalsikin

Manila, Philippines – Hinamon ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers ang mga kapwa niya mambabatas at mga opisyal ng gobyerno na magpa-drug test.

Ayon kay Barbers, kailangang patunayan ng mga mambabatas na hindi sila sangkot sa ilegal na droga.

Sabi pa ni Barbers, patuloy ang imbestigasyon at pag-validate sa mga pangalan ng mga kongresista na napabilang sa narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Sakali aniyang mapatunayang sangkot ang mga ito sa droga, papatawan ito ng karampatang parusa o patatalsikin sa kongreso.

Facebook Comments