SISIBAKIN | Mga pulis na magpapaputok ng baril sa pagsalubong ng Bagong Taon, binalaan

Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na masisibak sa serbisyo ang sinumang miyembro sa kanilang na sa indiscriminate firing sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay National Capital Regional Police Office Director Oscar Albayalde, naniniwala sila na disiplinado ang kanilang mga tauhan.

Nagpaalala pa ang direktor sa mga may-ari ng baril na huwag ng gamitin ang kanilang mga armas para gawing pampaingay.


Samantala, nagbabala si Albyalde sa mga magpapaputok na hindi sila magaatubiling pasukin ang bahay ng mga mahuhuli sa aktong magpapaputok ng kanilang baril sa bisperas ng Bagong Taon.

Facebook Comments