Manila, Philippines – Pinagbibitiw na sa puwesto ng ilang senador ang pinuno ng National Food Authority (NFA) dahil sa ulat na pagbaba ng buffer stock ng bigas sa bansa.
Ayon kay Senator Grace Poe, dapat ng magbitiw si NFA Administrator Jason Aquino dahil indikasyon ng kapalpakan ng kaniyang liderato kung totoo mang wala nang buffer stock ng bigas ngayon.
Ipinunto naman ni Senadora Bam Aquino ang pagsipa ng presyo ng bigas na dahil umano sa “kapabayaan ng NFA” sa tungkulin nito.
Sabi naman ni Senator Cynthia Villar na pinag-aaralan na nila ang pagbuwag na sa NFa.
Pero dapat isaalang-alang ang mga tauhan nitong kailangang pondohan ang pagreretiro kung magkataon.
Facebook Comments