SISIBAKIN? | PSG commander, pinagso-sorry sa Rappler reporter na si Pia Ranada; Pagsibak dito, hiniling ng kongresista

Manila, Philippines – Pinahihingi ng sorry ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang Presidential Security Group sa Rappler reporter na si Pia Ranada.

Ito ay kasunod ng insidente ng hindi pagpapapasok kay Ranada sa Malakanyang at sa naging pahayag ni PSG Commander Brigadier General Lope Dagoy na dapat pang magpasalamat si Ranada dahil hindi ito sinaktan ng miyembro ng PSG na humarang dito.

Hinahamon pa ni Villarin ang pamunuan ng AFP na sibakin si Dagoy bilang PSG commander dahil sa conduct unbecoming of an officer sa binitiwan nitong salita.


Kasabay nito, sinabi ni Villarin na ang pagbabawal kay Ranada na mag-cover sa Malakanyang ay nagpapakita lamang kung gaano ka-insecure si Pangulong Duterte at takot pagdating sa press freedom.

Takot umano ito sa mga hard-hitting, critical at independent journalists kaya gumagamit na ng ganitong taktika.

Facebook Comments