SISIBAKIN | Pulis na kabilang sa bashers ni PNP Chief Oscar Albayalde, pinasisibak na sa pwesto

Manila, Philippines – Pinasisibak na ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde ang isang pulis sa General Santos City na kabilang sa kanyang mga bashers sa social media.

Kinilala ang pulis na si PO1 Abder Hassan Baro Bahara na nakatalaga sa General Santos City Station 6.

Ayon kay GenSan Police Director, Senior Superintendent Raul Supiter, natanggap na niya ang utos ang pagsibak kay Bahara.


Nabatid na nagbigay ng komento si Bahara sa facebook na nagsasabing sa halip na bigyan ng warning ang mga pulis sa paggamit ng cellphone kapag nasa duty ay dapat bigyan na lamang sila ng handheld radio.

Inirekomenda na ng PNP-Internal Affairs Service ang pagsasampa ng kasong administratibo laban kay Bahara.

Facebook Comments