SISIGURADUHIN | 5 aktibong pulis na umano’y sangkot sa drug smuggling tiniyak na maihaharap sa NBI

Manila, Philippines – Siniguro ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na maihaharap sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang anim na pulis na umano ay sangkot sa drug smuggling sa Bureau of Customs (BOC).

Aniya iniutos niya na sa Criminal Investigation and Detection Group o CIDG at sa Directorate for Personnel and Records Management o DPRM na tiyakin ang availability nina:

Police Senior Superintendent Leonardo Suan, Police Superintendent Lorenzo Bacia, Police Superintendent Lito Pirote, Police Superintendent Conrado Caragdag at Senior Police Alejandro Gerardo Liwanag para sa imbestigasyon.


Pero nilinaw ni Albayalde na dahil dismissed na sa serbisyo si Police Senior Superintendent Eduardo Acierto ay hindi na ito sakop ng PNP sa halip ang Office of the Ombudsman ang magoobliga dito pa humarap sa imbestigasyon.

Iniutos na rin ni Albayalde sa PNP Internal Affairs Service na agad magsagawa ng imbestigasyon para matukoy kung may probable cause laban sa limang active police personnel na nasasangkot umano sa drug smuggling para masampahan ng kasong administratibo.

Facebook Comments