SISIGURADUHIN | 60 million advertisement deal ng DOT sa PTV-4, paiimbestigahan ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Tiniyak ng MalacaƱang na iniimbestigahan na nila ang P60 million advertisement budget ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo sa programa ng kanyang dalawang kapatid sa PTV 4.

Ayon kay Presdential Spokesman Harry Roque, nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang balita at siya mismo ang nag-utos na imbestigahan ito.

Naniniwala naman si Teo na may kaugnayan sa pagsasara ng Boracay ang P60 million advertisement budget ng DOT.


Giit ni Teo, madaming negosyante ang tinamaan ng Boracay closure bukod pa sa mga death threaths na kanyang natatanggap.

Facebook Comments