Manila, Philippines – Tiniyak ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones na tatalima siya sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa land reform program ang nasa 400 ektarya ng isla ng Boracay.
Ayon kay Castriciones, wala pa siyang natatanggap na marching orders pero agad nila itong ipatutupad kapag minandato na ng Pangulo.
Giit pa ng kalihim na valid at legal ang planong gawing agricultural land ang Boracay.
Sa datos ng DAR, aabot sa kabuuang higit 600 ektarya ng agricultural land ang mayroon sa isla pero nasa higit 200 ektarya lang na-convert.
Facebook Comments