Manila, Philippines – Tiniyak ng motorcycle ride-hailing application na Angkas na susundin nito ang TRO ng Supreme Court (SC) sa operasyon ng kanilang mga pampasadang motorsiklo.
Ayon kay George Royeca, head ng Regulatory and Public Affairs ng Angkas, hindi sila magiging hadlang sa pagtupad ng LTFRB sa tungkulin nito na manghuli.
Kaugnay nito, inatasan niya ang mga drivers na respetuhin at sundin ang mga law enforcement unit sa mga kalsada.
Kasabay nito, sinabi ni Royeca na magkakaloob sila ng assistance sa kanilang mga bikers alinsunod sa itinatakda ng batas.
Facebook Comments