SISIGURADUHIN | BJMP, tiniyak na hindi kukunsintihin ang mga tauhan na masasangkot sa illegal drugs

Manila, Philippines – Kasunod ng pagkakaaresto ng pulisya kay SJO2 Milandro Lee sa barangay Bagtas,Tanza Cavite dahil sa pagkakasangkot sa bawal na droga, tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na masisibak sa pwesto ang sinumang tauhan nito na masasangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay BJMP Spokesman Jail Chief Inspector Xavier Solda , sinumang BJMP personnel na pumasok sa illegal drug activities ay walang karapatan na magsuot ng kanilang uniporme lalo pa at nanunungkulan sa government service.

Gayunman ikinalulungkot ng BJMP na may mga tauhan sila na naging biktima din ng ilegal na droga, pero dapat lamang na hulihin sila at makulong sapagkat maliwanag na nilabag nila ang batas.


Si SJO2 Lee ay kasalukuyang binubuno ang isang taong suspension dahil sa kinakaharap na kasong administratibo ng mahuli ng pulisya.

Facebook Comments