Manila, Philippines – Nanawagang muli si dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na magtrabaho ng may dignidad at integridad.
Ito ang sinabi ni Go sa harap na rin ng desisyon ng Sandiganbayan na naghahatol ng guilty sa mga kasong graft laban kay dating First Lady Imelda Marcos.
Ayon kay Go, paulit-ulit na binabalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasa gobyerno na iwasan at itigil na ang katiwalian.
Sinabi din ni Go na hindi na siya magbibigay pa ng iba pang komento sa kaso ng dating unang ginang at bahala na aniya ang korte sa kaso nito.
Pero sa parte aniya ni Pangulong Duterte ay ipagpapatuloy lamang nito ang paglaban sa katiwalian at tiniyak nito na walang sisinuhin ang Pangulo kahit pa kaibigan o kahit kamag-anak nito dahil lahat ng nagkasala ay dapat managot sa batas.