SISIGURADUHIN | Budget ng PCOO, kekwestyunin ni Sen. Win Gatchalian

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senador Win Gatchalian na kukwestyunin niya ang budget ng Presidential Communications Operations Office o PCOO dahil sa sunod-sunod nitong mga pagkakamali.

Ayon kay Gatchalian, dapat laging eksakto ang mga detalye ng PCOO dahil communications arm ito ng opisina ng Pangulong Duterte at malaki ang P1.3 billion na budget nito.

Kamakailan, nailagay ng PCOO sa isang press release na “Winston” si Gatchalian kahit “Sherwin” ang pangalan nito.


Facebook Comments