Muling tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na suportado niya ang mga sundalo.
Ayon pa sa Pangulo, nakahanda siyang protektahan ang mga ito sakaling maharap sa kaso dahil sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Nangako rin si Duterte na hindi niya hahayaan na makulong ang sinumang sundalo kahit na isang araw lang.
Kasabay nito, pinuri at pinasalamanatan ng Pangulo ang mga sundalo dahil sa ipinakita ng mga ito sa bayan.
Facebook Comments