SISIGURADUHIN | China, tiniyak na hindi nila kinukunsinte ang pagharang sa fishing rights ng mga Pilipino sa Panatag Shoal

Manila, Philippines – Tiniyak ng China sa Pilipinas na hindi nila kinukunsinte ang pagharang sa karapatan sa pangingisda ng mga Pilipino sa Panatag o Scarborough Shoal.

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, mahigpit nilang ipinatutupad ang batas laban sa lalabag.

Masusi na ring sisiyasatin ang ulat tungkol sa harassment ng Chinese coast guard sa mga Pilipinong mangingisda.


Una nang ipinunto ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na nagkasunod ang Pilipinas at China na payagan ang mga Pilipino na makapangisda ng malaya sa Panatag Shoal.

Facebook Comments