SISIGURADUHIN | CHR, tiniyak ang regular na pagbabantay sa mga malalaking kilos protesta

Manila, Philippines – Tiniyak ng Commission on Human Rights (CHR) na regular silang nagbabantay sa malalaking kilos protesta.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty Jacqueline De Guia, ginagawa nila ito para matiyak na malayang nasasabi ng mga raliyista ang kanilang saloobin.

Aniya, bahagi ito ng karapatan ng mga mamamayan bilang demokratikong bansa.


Kasabay nito, nanawagan ang CHR sa mga lalahok sa mga kilos protesta sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing mapayapa at maayos ang kanilang mga aktibidad.

Facebook Comments