SISIGURADUHIN | Con-Com, tiniyak na mayroong halalan para sa bagong pangulo at bise presidente

Manila, Philippines – Tiniyak ng Consultative Committee (Con-Com) na magkakaroon ng halalan para sa bagong pangulo at bise presidente sa bansa sakaling ratipikahan ang bagong federal constitution.

Ayon kay Con-Com Chairman at dating Chief Justice Reynaldo Puno, kung mararatipikahan ito ay may tatlong taon na lang sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte at Bise Presidente Leni Robredo hanggang magkaroon ng eleksyon sa 2022.

Aniya, ang mahahalal na transition president ang papalit kay Duterte at mamumuno sa transitional commission na magrere-organisa sa gobyerno para ihanda ito sa federal system.


Hindi na rin aniya pwedeng tumakbo si Duterte sa 2022.

Paliwanag pa ni Puno, oaras na mawalan na ng bisa ang 1987 constitution ay wala na ang proteksyon ang mga opisina sa ilalim nito kasama ang co-equal branch ng Kongreso at Hudikatura.

Dagdag ni Puno, sa 2022 pa ang general election at uunahin lang ang halalan sa pagkapangulo at bise pangulo bago matapos ang termino ni Duterte.

Kung matutuloy, maaari naman aniyang tumakbo si Robredo bilang transition vice president na inaprubahan na ng Con-Com.

Facebook Comments