SISIGURADUHIN | Department of Agriculture, tiniyak na tututukan ang pagtaas ng presyo ng manok

Manila, Philippines – Tiniyak ni Department of Agriculture Secretary Manny Piñol na tinutukan nila ang pagtaas ng presyo ng manok sa merkado.

Ito ay matapos tumaas ng P10 hanggang P20 ang kada kilo ng manok sa ilang pamilihan.

Ayon kay Piñol, ipapatawag nila ang mga poultry stake holders para alamin ang sitwasyon ng supply ng mga manok sa bansa.


Maliban sa manok, nagmahal rin P10 hanggang P20 kada kilo ang karneng baboy dahil sa mainit na panahon.

Paliwanag ng Bureau of Animal Industry, bukod sa kaunting suplay, patuloy ring tumataas ang demand o pangangailangan sa karneng baboy kaya ito nagmahal.

Facebook Comments