Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na makakasabay sa pagbubukas ng klase sa Hunyo ang mga paaralan sa Marawi City.
Ito ay sa kabila ng pagkasira ng mga paaralan sa Marawi City matapos ang giyera sa pagitan ng militar at Maute-ISIS Group.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, malabong makapagpatayo agad ng mga bagong eskuwelahan kaya inilipat muna nila ang ibang estudyante sa ibang paaralan.
Hamon ni Briones sa mga guro, huwag munang magreklamo kung hindi magkasya ang mga estudyante na ililipat sa mga hindi nasirang paaralan at sa halip ay sikapin na maibalik sa normal ang buhay ng mga bata.
Facebook Comments