SISIGURADUHIN | DFA tiniyak na mas pagbubutihin pa ang serbisyo sa mga OFWs

Manila, Philippines – Kasabay ng padiriwang ng Filipino Migrant Workers Day tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mas palalakasin pa ang kanilang kampanya upang maprotektahan at mapangalagaan ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, hindi sapat na sabihing pinangangalagaan nila ang nasa higit 10 milyong OFWs bagkus ito ay dapat nilang ipadama sa mga itinuturing mga bagong bayani.

Isang paraan aniya nito ang pagtaas ng Assistance to Nationals (ATN) fund mula P400 million noong isang taon patungong P1 billion ngayong 2018.


Ang pondong ito aniya ang tumutulong sa pagpapauwi sa mga distressed OFWs.

Maliban dito nagbukas ang ahensya ng mga karagdagang consular offices sa iba’t-ibang regional locations.
Inatasan din ng kalihim ang lahat ng Philippine embassies at consulates na agad tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

Palalakasin din aniya ang government services abroad katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Facebook Comments