Manila, Philippines – Siniguro ng pamunuan ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na mananatili silang loyal sa chain of command.
Ginawa nila ang pahayag sa gitna ng kumakalat na mensahe sa social media na nanawagan sa Pangulo na huwag pulitikahin ang AFP.
Ang nasabing mensahe ay mula umano sa grupo ng mga aktibo at retiradong miyembro ng militar na iginigiit na illegal ang utos ng Pangulo sa militar na arestuhin si Trillanes.
Nakasaad sa mensahe na hindi pwedeng ipaaresto ng Pangulo sa militar ang isang sibilyan.
Pero una nang ipinaliwanag ni AFP Spokesman Colonel Edgard Arevalo na dahil sa pagpapawalang bisa ng amnestiyang iginawad kay Trillanes, kaya balik sa military status si Trillanes.
Dahil dito sakop na sya ngayon ng military justice at pwedeng arestuhin para humarap sa court martial.
Sinabi rin DND Spokesperson Director Arsenio Andolong ang pangulo ang commander in chief at susunod ang DND at AFP sa chain of command.