SISIGURADUHIN | DOJ, tiniyak na tatalima sila sa mga rekomendasyon ng COA

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na tatalima sila sa mga rekomendasyon ng Commission on Audit (COA) hinggil sa tamang paggamit ng pondo ng ahensya.

Ito ay kasunod ng 2017 COA audit report kung saan nadiskubre ang mga hindi dokumentadong paglipat ng pondo, payrolls, at hindi awtorisadong bank accounts kaugnay ng 621 million pesos budget ng ahensya.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang mga finance staff ng ahensya ay inatasang sumunod sa COA recommendations at tiniyak na nasa tamang pangangalaga ang pera ng publiko.


Una nang itinanggi ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na may kinalaman siya sa kwestyunableng paglipat ng pondo.

Facebook Comments