SISIGURADUHIN | DOLE tiniyak na hindi na maabuso ang mga OFW kapag napirmahan na ang Memorandum of Understanding

Manila, Philippines – Tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi na maabuso ang mga OFW sa Kuwait kapag tuluyan ng mapirmahan ang Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Kuwaiti Government at gobyerno ng Pilipinas.

Ayon kay Bello nakasaad sa MOU na hindi na hawakan ng mga Employer ang passport ng mga OFW, pati oras ng kanilang trabaho at pahinga ay nakasaad din sa draft ng naturang kasunduan kung saan nabasa na rin umano ng Pangulo ang nasabing draft.

Paliwanag ng kalihim otomatikong irerekomenda niya sa Pangulo ang partial lifting ng ban para sa mga skilled workers kapag napirmahan na ang Memorandum of Understanding (MOU).


Base sa datos ng DOLE maliit lamang ang porsyento ng mga skilled workers ang naaabuso sa bansang Kuwait kabilang diyan ang hindi tamang pagpapasahod, walang day off at ibang pang panggigipit sa mga manggagawang Pinoy.

Giit ni Bello masusi nilang binalangkas ang MOU upang matiyak na hindi na maaabuso ang mga OFW sa Gitnang Silangan.

Facebook Comments