Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na aayudahan ang micro, small at medium entrepreneurs upang mabawasan kahit papano ang epekto ng 6 na buwang pagsasara ng Boracay Island.
Ayon kay DTI Regional Operations Group Undersecretary Zenaida Maglaya inilatag na nila sa mga negosyante ang gagawin nilang intervention habang isinasagawa ang rehabilitation sa Isla na magsisimula bukas, April 26.
Sinabi ni Maglaya na habang sarado ang Boracay sa mga turista bibigyang pagkakataon ng ahensya ang micro, small at medium entrepreneurs na ipagpatuloy ang kanilang hanapbuhay sa pamamagitan ng pagtitinda ng kanilang produkto sa ibang pasalubong centers sa kalapit na mga resorts.
Maliban dito, maglulunsad din ang DTI ng negosyo serbisyo sa mga Barangay kung saan magkakaroon ng training, business opportunities, online marketing seminar at micro loans sa pamamagitan ng pondo para sa pagbagago at pag-asenso.