SISIGURADUHIN | Health Sec. Francisco Duque, tiniyak na mananagot ang mga sangkot sa maanomalyang brgy health stations project

Manila, Philippines – Tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na pananagutin ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng ahensya na sangkot sa iregularidad ng barangay health stations project na nagkakahalaga ng 8.1 billion pesos.

Ayon kay Duque, ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Commission on Audit (COA) ang kanilang basehan sa pagsasampa ng kaso.

Aminado ang kalihim na maganda ang layunin proyekto pero ang problema ay ang pagpaplano nito.


Sabi ni Duque, mayroong 270 barangay health stations ang posibleng natapos mula sa 426 reported barangay health stations.

Wala aniyang certificate of completion, certificate of site inspection, at pictures during at after ng construction.

Facebook Comments