Manila, Philippines – Tiniyak ng Commission on Election (COMELEC) na ready for release na ang honoraria ng mga public school teachers at iba pang DepEd personnel na magsisilbing electoral board sa Mayo para sa Barangay at SK Election.
Base sa R.A. 10756 o election service reform act, ang chairperson of the electoral boards, ay makakatanggap ng PHP 6,000;
Members of Electoral Boards, PHP 5,000; Department of Education Supervisor Official (DESO), PHP 4,000; habang ang support Staff, PHP 2,000.
Makakatanggap rin ang mga ito ng additional na 1 libong piso para sa kanilang travel allowance.
Ayon sa COMELEC Finance Services Department, ang honoraria at travel allowances ng mga poll workers ay ibibigay pagkatapos nilang gampanan ang kanilang mga tungkulin sa May 14, sa pamamagitan ng cash o Development Bank of the Philippines.
Matatandaan na una na ring sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na nakatakda silang lumagda ng Memorandum of Agreement sa personnel COMELEC upang matiyak na mabibigyang prayoridad ang kapakanan ng mga public school teachers at iba pang DepEd personnel.