SISIGURADUHIN | Hustisya para sa Pinoy na pinatay sa Slovakia, dapat tiyakin ng pamahalaan

Manila, Philippines – Pinakikilos ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang Department of Foreign Affairs o DFA para tiyakin na maibibigay sa Pilipinong si Henry John Acorda ang hustisya.

Si Acorda ay nasawi matapos bugbugin sa Bratislava, Slovakia dahil sa ginawa niyang pagtatanggol sa dalawang babae na biktima ng sexual harassment.

Ikinalungkot ni Villanueva ang pagpanaw ni Acorda na maituturing aniyang bayani sa pagbubuwis ng buhay para lang mailigtas ang kanyang kapwa.


Giit ni Villaneuva sa DFA, makipag-ugnayan ng mahigit sa Slovakian Government para tiyaking hindi makakaligtas sa kaparusahan ang pumatay kay Acorda.

Kasabay nito ay pinapatiyak din ni Villaneuva sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), gayundin sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Consulate sa Bratislava na maibibigay ang lahat ng tulong na kakailangan ng pamilya ni Acorda.

Facebook Comments